September 11th, 2005 by s-u-p-e-r-m-a-n
"time after time" yan ang title ng naririnig kong song ngayon hehehe…
hayy… maya balik na nman aq sa Dorm ko… nagcheck lang ako ng mail before umalis… acad mode na naman ako pagdating ko sa dorm… ang hirap na ng course ko.. kahit aral ka na ng aral… bumabagsak parin… sana mag sem break na… para makapagpahinga muna… at makapagbeach uli… sarap mag beach! sana may magyaya sakin para may kasama naman ako… hehehe… pag nag sembreak na talaga iEenjoy ko talaga every sec. of it…. sarap… naiimagine ko na… hehehe.. oi! beach hintayin mo lang ako jan! malapit na tayo magtuos! hehehe…
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
August 28th, 2005 by s-u-p-e-r-m-a-n
hay… ngayon nalang uli aq nakapag post ah..:) namiss ko 2 ah..:)
anywayz… kanina nanood kami ng sis ko ng movie, The Longest yard, nung nakita ko plang yung trailer nun dati… gusto ko na akad panoodin un… parang ang ganda kasi eh… parang all-star cast, Adam Sandler, nelly, chris rock, ung dalawang magkamukhang WWE superstars, c Stone Cold and Goldberg…dami pang my special participation ng mga well known celebs… hehehe nakakatuwa..;) Lufet! Ganda nang story… basta talaga movie ni Adam Sandler… Galing… and producer din nung movie c Adam Sandler kaya asteeg talaga… kaso parang bitin lang ung ending… pro ok na din! at ang pinaka gusto ko pa dun… ung Soundtrack… yeah… bili nga ako nun… pag may money nako.. hehehe….
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
July 20th, 2005 by s-u-p-e-r-m-a-n
hay.. ang buhay nga naman… ang gulo-gulo talaga… minsan kung kailan mo kailangan yung isang bagay saka naman wala d’yan… at kung kailan mo naman hindi mo kailanagan nandyan naman… at lalong lang nakakagulo sa buhay mo…
minsan mapapaisip ka nalang kung ano ba talaga…. pinaglalaruan ka lang ba talaga ng buhay o sinusubukan lang, o baka naman tinuturuan ka lang talaga para matuto sa mga nagawa mong mali sa buhay mo.
kung pwede lang sana ibalik ang mga dating nagyari at baguhin ito… at ayusin ng sunod-sunod ang mga mangyayari sa buhay natin… para pag dumating na ito, hindi ka malilito at maguguluhan… at hindi mo masisisi ang sarili mo sa mga dapat at di-dapat mo na nagawa…. para hindi ka rin magsisisi sa huli…
hay…. ang buhay nga naman… napakamapaglaro….
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
July 13th, 2005 by s-u-p-e-r-m-a-n
napanood ko ‘to last sunday with may college friends.. Asteeg…. nakakatuwa ung movie..:) nakakatuwa c johnny (human torch) ang lulufet ng mga hirit..:) hehehe…:) hindi kayo mabobored..:)
kaso napandin ko lang dito sa movie na may mga part na paina-iba ang height.. minsan malaki… minsan magkasing tangkad lang sila halos ni Mr. Fantastic…
Pero ok talaga..:) sulit..:) ang sexy ni invisible woman (jessica alba) sobra..:) wowoweee..:))
my rating.. a Fantastic 4/5..:) YEAH!:)
Posted in Uncategorized | No Comments »
June 27th, 2005 by s-u-p-e-r-m-a-n
Ang Lufet ng buhay ko ngayon! ngayon ko lang naramdaman kung gabo kahirap ang pinasukan kong course! AMp! pre-lecture quiz, 4 hours lecture, post-lec quiz.. at ang nakakakabang practicalz! wwaaaaaa… at isa pang mahirap ay ingatang madumihan ang damit ko… punas dito, punas doon… tapos biglang uulan! PUTEK! waaa…..
pero ang masarap dito… ngayon ko lang na feel na para na akong tunay na P.T… hehehe…
Posted in Uncategorized | No Comments »
June 7th, 2005 by s-u-p-e-r-m-a-n
kanina pinanood ko sa atc ung " A Lot Like Love " starring Ashton Kutcher and Amanda Peet… ok siya… hehehe… nakakatawa din… hehehe… hindi luge…:) basta maganda siyang panoodin lalo na ng mga taong naghihintay lang ng right time… basta… asteeg… parang engot parin ang character no Ashton… hehehe… tapos ang sexy talaga ni Amanda Peet… yeah..;) ang ganda talaga ng story..;)
Posted in Uncategorized | No Comments »
June 6th, 2005 by s-u-p-e-r-m-a-n
Yesterday… umalis kami ng sister ko.. pumunta kami sa festi para manood lang ng movie… kasi matagal na namin gustong panoodin ung SHUTTER.. kasi mukhang maganda… kaya un… excited na nga kaming dalawa nun… kasama din cousin namin.. si kuya clifford…
aiun.. hindi pa naguumpisa yung movie giniginaw nako… hehehe… naku.. nung nagtagal gininaw lang ako sa movie house… waaaahhh… hindi ako masyado nagandahan… pero nakakagulat sya… madaming beses akong nagulat pero dahil lang sa malakas na sound effects lang… typical asian horror movie na gumagapang sa Bed at kung saan-saan… pati ung lalabas bigla sa water na hair lang muna… hanggang sa palapit ng palapit na sa bida… ngex… pero nalaman ko na sa POLAROID mo lang malalaman kung totoo yung na capture na ghost sa picture… basta panoodin nyo nalang kung gusto nyo magsayang ng money… kasi ako nalugi… hehehe..
Posted in Uncategorized | 1 Comment »
June 5th, 2005 by s-u-p-e-r-m-a-n
hay… naku magulo talaga ang love… hindi mo alam kung ano na, kung bakit, kung love na ba talaga… ah ewan…
may friend kasi akong kaChat kanina… naku aion love na naman pinagusapan namin… tapos may katx din ako… love din ang topic namin… kaya eto ako ngayon … naguguluhan na din sa love… hay… naku dati pa talaga ako naguguluhan dyan… ang dami kong tanong dyan… bakit ganito.. kailanangan ba talagang maging ganito… eto na ba talga… cgro dapat ganito… hay… ang labo!
pero naisip ko… siguro kaya lalong gumugulo ang love kasi dahil na rin sa takot eh… takot na baka mag-iba ang mga bagay-bagay kung ano ang meron sa kanila ngayon, takot na baka magsisi rin sa huli, takot na baka ma-busted.. takot na baka hindi pa oras, takot na makasakit, takot na masaktan, takot na baka hindi talaga love yun, takot sa maaaring isipin ng ibang tao, takot na hindi pa handa na baka masira lang ang relasyon nila kung magiging sila at maari din namang naguguluhan sa bagay-bagay..
hay… #@!*%$ takot yan! bakit kasi may ganyan pa eh! pero isa ako dyan eh… takot din… at naguguluhan parin… kaya ako.. tinatago ko muna ang nararamdaman ko… mahirap na… hay… ang drama ko… dito ko lang kasi talaga kaya sabihin ang nararamdaman ko.. parang diary ko na din ‘to e… madami nga lang pwedeng bumasa…
pero ewan ko ba sa sarili ko… parati ko din naman sinasabi sa sarili ko na… kung mahal mo… go for it… ano naman kung masaktan ako… atleast nasabi ko at naparamdam ko sa kanya na mahal ko siya… hindi ko na iisipin kung ano pa sasabihin nya, kahit iwasan nya pa ako… atleast huli hindi ko pagsisisihan na bakit wala akong ginawa, at kung bakit hindi ko nasabi at naparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal… <drama na talaga ‘to>
pero ngayon… takot na talaga ako… kasi nasaktan na din kasi ako talaga ng sobra dati… first time ko kasi nun mainlove ng sobra… hehehe… buti ngayon medyo masaya na ako..:) dba?!:)
mahal na mahal ka talaga ng parents mo..!:) hehehe… labo ba?! sakin na yun!:)
basta ganito nalang sa love ngayon… hindi lang puro puso… gamitin mo din dapat ang utak mo… mahirap ng masaktan… pagnagmahal ka ng sobra… tulad ko…
Posted in Uncategorized | 3 Comments »
June 1st, 2005 by s-u-p-e-r-m-a-n
kanina i just watch madagascar… ok lang naman siya… nakakatuwa din…
kaso parang ang iksi ng story…
kasama ko mom and sister ko…. yung mom ko tuwang-tuwa… parangang bata eh… talagang humahalak hak… hehehe…
dami kong nakain kanina habang nanonood ng movie… ang sarap kasi manood while watching movie… hindi mo napapansin ang dami mo na palang nakain… kala ko hindi ko mauubos ung binili kong… two slices of pizza, chips n dip, whooper saka misang super Large ice tea! sarap!
hay…. next ko naman papanoodin SHUTTER… tama ba ung title? hehehe…
Posted in Uncategorized | No Comments »
May 26th, 2005 by s-u-p-e-r-m-a-n
ANG LAKAS NG ULAN NGAYON…. KAYA NAISIPAN KO MALIGO SA ULAN KANINA… HEHEHE….. SARAP! KAHIT MAY KULOG AT KIDLAT! HEHEHE… NGAYON KO NALANG ULI UN NAGAWA SIMULA NUNG BATA PA AKO…. ASNG SAYA PARIN PALA… HEHEHE… TAPOS NUN… KUMAIN NG PIZZA NA BAGONG DELIVER! WOW! SARAP ANG INIT PA…!;)
AION… MUKHANG ALIS NA NAMAN AKO SA SATURDAY… KASI NAGTXT MGA TEAMMATES KO SA BASKETBALL SA PROVINCE… BEST OF 3 NA PLA… KALA KO LA NA KAMING PAG ASA.. HEHEHE…
LASTNYT PLA NAGISING AKO… MAY NAPANAGINIPAN KASI AKO… KALA KO TOTOO NA… SAYANG… KALA KO TALGA TOTOO… KALA KO KATABI KO SIYA SAKA KAUSAP… NAGKUKULITAN NA NAMAN KAMI…. HEHEHE…
NGAYON BLESSING NG HOUSE NG FRIEND KO NA SI TONI.. KASO HINDI AKO MAKAKAPUNTA… KASI… BASTA… MADAMING DAHILAN…
UUUYY… GANDA NG PINATUTUGTOG NG MOM MO NGAYON SA LIVING ROOM… NARIRINIG KO… NINA LIVE… I DONT WANT TO BE YOUR FRIEND.. TAMA BA UNG TITLE?:) BASTA YUN…ANO BA YAN PINATLITAN NAMAN NG MYMP… HAY… NAKAKARELATE TALAGA AKO SA MGA SONGS NA NASA ALBUM NGAYON NG MYMP…
UY METEOR GARDEN NA PALA… HEHEHE.. PAPANOODIN KO MUNA… HEHEHE… BADUY NOH?! HEHEHE… OWKEI LANG! PAKI BA NILA.. MASAYA KASI AKO NUNG METEOR GARDEN DAYS… BASTA..
Posted in Uncategorized | No Comments »